SA UGOY NG DUYAN
nina: Lucio San Pedro at Levi Celerio
sinuri ni: Ryan Veras Balolot
Ito’y isang munting alaala ng isang butihing anak sa kanyang
pinakamamahal na ina. Na pilit niyang ninanariwa sa isipan ang mga karanasang
naganap noong kanyang kabataan sa piling ng kanyang ina. Ayaw niyang limutin
ang nakaraan sapagkat iyon ay maiuuri niya na isa sa pinakamagandang karanasan sa buhay.
Ninanais niyang maulit at
marinig muli ang mga awiting laging
inaawit ng kanyang ina habang siya ay nasa duyan noong sanggol pa. Mga awiting
nagpapahayag ng pagmamahal na nagmumula sa kaibuturan ng puso na walang
pag-aalinlangan at kondisyon. Gaya ng pagmamahal ng isang ina, walang kapares,
walang katulad, bayani ika nga… dahil sa katatagan at tunay na wagas.
Sa oras ng kanyang pagkakahimbing sa pagtulog, wala siyang nababakas
na kung anong panganib o kaya’y mga alalahanin sapagkat panatag ang kanyang
kalooban na wala ni sinuman ang maaring gumambala sa katiwasayan ng na kanyang
nararamdaman dahil nariyan ang isang inang handang magtanggol para sa anak. Sa
piling ng isang ina ay talagang tunay na napakasaya, parang langit ang
pakiramdam. Dahil sa mga kasiguruhang ang pagmamahal nito at pagkalinga ay
tunay na nagmumula sa pusong maawaain. Gaya ng Diyos, handang magbigay,
magpatawad at magsakripisyo. Naniniwala siyang tanging ang isang ina ang
maaring makaintindi ng nararamdaman ng isang anak, di man sabihin ng tuwiran ay
nararamdaman sa pamamagitan ng lukso ng dugo. Inang nakakaalam sa solusyon ng
maaring maranasang problema ng isang anak. Ngayon siya’y nanabik sa dating ugoy
ng duyan na tanging ang isang ina lamang ang nagpadama.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento