Linggo, Marso 2, 2014

Nobela (Fil.105)



ANG MGA IBONG MANDARAGIT
(Nobelang Sosyo-Politikal)
ni
Amado V. Hernandez

(buod ng bawat kabanata)

Ibinuod ni: Ryan Veras Balolot



            Ay isang nobelang isinulat ng manunulat at aktibistang makalipunan na si Amado V. Hernandez noong 1969. Sa pamamagitan ng mahabang salaysaying ito, hinangad ng  may-akda ang pagbabago at pagsisiyasat ng kalagayan ng lipunan. Naglalahad ito ng katayuan sa pamumuhay at kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino.

KABANATA  I (1)

-1944 namayani ang kapangyarihan ng mga hapon naitaboy ang mga amerikano
-Taong labas o gerilya (nagkalat sa mga bundok)
-labinlimang kilometro (mula sa pinanggalingan patungo sa tahanan  ni Tata Matyas) Sierra Madre
-Mando ( nakalipas na ang apat na buwan bago siya nakabalik doon sa sierra madre), ito ang pangatlong beses na pagbalik ni Mando, kasama niya si Karyo (Tagabukid) at Martin (hindi tagalog). Gutom ang tatlo ng makarating sila sa bahay ni Tata Matyas.
-Sampitan (huling kuwartel ng mga gerilyang Pilipino na ngayon ay kilala sa tawag ang lugar na Quezon Province) sinugod ng mga kaaway. Nakatakas ang tatlo dahil sa pagbuhos ng ulan.
-Ang bahay ni Tata Matyas ay ginawa niya bago paman sumiklab ang (world war II). Maraming nagpupunta para humingi ng payo sa kanya. Si Tata Matyas ay isang rebolusyonaryo, nagtaas ng tabak sa Espanya at Estados Unidos.
-Si Mando at Tata Matyas ay nagkapalitang-kuro sa iba’t-ibang suliranin. Ulila na sa magulang si Mando. Siya’y nanilbihan sa isang mayamang pamilya sa lungsod ng maynila ng sumiklab ang digmaan. Ang pinakasahod  ay pagpapaaral sa kanya, natigil ang kanyang pag-aaral dahil sa marahas na pananakop ng mga hapon.
-Pinag-usapan ni Mando at Tata Matyas ang patungkol sa El felibusterismo na isinulat ni Rizal. Inakala ni mando na kathang isip lang ang patungkol kay Simoun, pinatutuhanan kasi ni Tata Matyas na ito ay totoo. Sinabi ni Tata Matyas kay Mando na kung siya ay bata pa katulad ni Mando ay sisisirin niya ang kayamanan ni Simoun na inihagis ng isang Pare ( si Padre Florentino) sa dagat pasipiko.

KABANATA II (2)

-Kumain ang apat, pagkatapos ay nagtanong itong si Mando kay Tata Matyas kung bakit hindi nito sinisid ang yaman noong kanyang kapanahunang malakas pa siya. Ang sagot ni Tata Matyas ay nasa isip niya ang pagsisid noon kaya lang nawalan siya ng gana dahil hindi nila nakamit ang kalayaan. Kung kaya ay minabuti na lang niya na ingatan ang yaman ng kalikasan. Ang kayamanan ni Simoun ay isang mahalagang kasangkapan sa pakikibaka.
-Kinumbinsi ni Tata Matyas si Mando patungkol sa kanyang mga nalalaman sa mga kataksilan, makabayan at tagumpay, bumilib naman si Mando sa kanya. Ipinabasa ni Tata Matyas kay Mando ang isang bahagi ng El Felibusterismo na kung saan ay naglalarawan ng tirahan ni Padre Florentino at kung paano nito inihagis kung saan ang yaman sa dagat pasipiko. Malalim na ang gabi ng matapos ang pag-uusap ng dalawa. Kinaumagahan ay nagpaalam na ang tatlo.

KABANATA III (3)

-Walang tiyak na direksyon ang tatlo, nais nilang makarating sa pangkalahatang kuta ng mga gerilya sa Infanta. Sa kanilang mga dinaanan ay hindi alam kung hawak ba ng mga Hapones ang lugar, kaya ay kailangan nilang magtanong. Isa sa mga problema nila ay ang pagkain kaya noong makakita sila ng isang punong bayabas ay pinagkaguluhang kainin ang mga bunga nito. Inabot ng dilim ang tatlo sa kagubatan (mapanganib sa kagubatan ang ahas at limatik), nakakita sila ng isang mahabang pampang ng ilog at doon sila namahinga. Sinugod sila ng niknik kaya gumawa ng siga si Mando para maitaboy iyon sa pagkakadikit sa kanilang balat. Biglang bumuhos ang ulan at walang masilungan ang tatlo. Nagkausap ang tatlo sa kanilang mga kadahilanan kung bakit sila naggerilya. Ang tatlo na magkadikit na nakaupo sa lupa ay hindi ginapi ng ulan. Kinabukasan ay kumain sila ng niyog at naligo sa ilog. Masaya sila sa araw na iyon.
-Martin (nabilibid) kumabit sa gerilya para iligtas ang  kanyang sarili. (“Escaped Convict”)
-Si Karyo naman ay naggerilya sapagkat pinasok ang kanilang bayan at napatay ang kanyang asawang nagdadalantao.
-Nang tinanong si Mando kung bakit siya naggerilya ang sagot lamang niya ay “Ako’y Pilipino”

KABANATA  IV (3)

-Humarap na naman ang tatlo sa maghapong paglalakad. Nanariwa si Mando sa isang mapait na karanasan sa tahanan ng Montero. Bago siya naging Mando Plaridel ang kanyang tunay na pangalan ay Alejandro Pamintuan, Andoy ang kanyang palayaw (21 taong gulang). Wala siyang sahod liban sa pagkain at maramot na allowance sa pagpapaaral. Utusan siya ni Don Segundo at ng buong mag-anak. Konting oras lang ang nailalaan niya sa kanyang pag-aaral, karaniwang alila, hardinero, tagapamili, tsuper, tagalinis. Madalas tumanggap ng tampal, pingol, tungayaw ng mag-anak. Isa sa hindi niya makalilimutang tagpo na tumapos sa kanyang pagtitimpi ay iyong pinagmamaneho si Mando ni Don Segundo upang makipagkita sa isang pinuno ng Japanese Army. Inutusan si Mando na manaog at magtanong sa isang sundalong mukhang kumakain ng tao at may pasang riple. Lumapit si Andoy at bumati sa wikang Ingles. Mag-asawang tampal sa punong tainga ang iginanti sa kanya. Nagtangkang lumaban si Andoy ngunit  may isang sibilyang hapones ang dumating at namagitan sa kanilang dalawa. Tinanong ni Andoy ang sibilyan kung anong dahilan nito sa pananakit sa kanya. Sagot ng sibilyan ay hindi sumaludo at nagsalita pa ng Ingles na parang nanghahamon itong si Andoy. Masaya (dahil sa nakitang pagkagulpi ni andoy) at galit (dahil muntik ng hindi matuloy ang kanyang transaksyon sa isang opisyales ng Japanese army) si Don Segundo, habang itong si andoy ay nagtitimpi at nagpipigil lamang ng kanyang galit. Inereport din ni Don Segundo si Andoy sa Kempetai na si Andoy ay isa sa mga gerilya. Gusto sanang gumanti ni Andoy pero naghunosdili siya at tumakas na lang. Pinalitan ni Andoy ang kanyang palayaw ng Mando.
-Nakakita ang tatlo ng isang bahay at sila’y nakituloy roon. Dinulutan sila ng pagkain at damit ng maybahay.

KABANATA V (5)

-Sinabi ng matandang lalaki na puntahan ng tatlo ang bayan ng kalayaan dahil ang lugar na ito ay hindi nasasayaran ng hukbong hapones. Narating ng tatlo ang bayan ng kalayaan, pagpasok nila ay hinarang sila ng mga bantay doon nagkaroon ng ilang diskusyon at sa huli tinanggap naman sila ng walang pag-aalinlangan. Ito ang unang pagkikita ni Mando at Magat (lider ng mga disiplinadong  gerilya sa Bayan ng kalayaan), nagkausap ang dalawa sa maraming bagay. Isa sa mga nasamsam ng mga gerilya sa mga hapones ang mga kagamitang pandagat, hiningi ito ni Mando baka sakaling magamit nila sa hinaharap. Ipinasya ni Mando na huwag ng bumalik sa kapatagan bagkus ay bumalik sila sa kanilang pinagbuhatan.

KABANATA VI (6)

-Kapaskuhan ng 1944, ang maynila ay mukhang semana santa. Sa kabanatang ito inilarawan ang  Black Market (halu-halo, sarisari, walang taros ang tuntunin ng pagtitinda at pamimili, turing at tuwid, kaliwaan kung magkasundo. Halimbawa ng ibinibinta roon ay niyog (ito’y hindi itinitinda ng buo, pinagpuputol at bawat putol ay sampung piso), kalderetang kambing at aso. Iyong mga pagkain na masasarap kagaya ng bigas, karne ng baka, baboy, manok at isdang sariwa ay ukol sa Hapones at Pilipinong malakas  sa Hapon). Sa kabanatang ito ipinakilala si Rubio. Siya’y magsisigarilyo at dating tsuper ng hukom. Siya’y binugbog ng hapones dahil itinuro siya ng dalawang espeya ng hapones (pinagbintangan siya na tumulong sa gerilya). Gumanti at binaril ni Rubio ang dalawang espeya na nagbintang sa kanya. Sa panahong ito ay humantong na sa wakas ang pakikipagsapalaran ng mga hapones.

KABANATA VII (7)

-Si pastor ay lumuwas sa Maynila upang dalhan ng bigas at ibang kailangan na mula sa bukid ang mag-anak na Montero. Si Pastor ay katiwala ni Don Segundo sa kanyang Hacienda at siya’y malapit sa mga magsasaka. Si Puri ay anak na dalaga ni Pastor,  katuwang sa Hacienda.
-(nang nakita ni Don Segundo si Puri ay inalok niya si Pastor na papag-aralin nito ang anak at doon na tumira sa kanilang poder. Hindi pumayag si Pastor dahil kilala niya si Don Segundo.)
-Nagalit si Don Segundo kay Pastor kasi kokunti lang iyong dala niyang pagkain. Tugon naman ni Pastor na ayaw ng mga humaharang na tulutang tumanggap si Don Segundo o ang mga mayayaman ng higit sa kanilang pangangailangan.
-dumating si Koronel Moto, natigil iyong galit ni Don Segundo, para sunduin si Dolly. Nang makaalis ang anak na babae at si Koronel Moto, bumalik iyong galit ni Don Segundo at ipinagpatuloy nilang dalawa ni Pastor ang kanilang pag-uusap. Nang matapos na ang usapin tinanong ni Pastor si Don Segundo kung saan si Andoy, ang sagot naman ni Don Segundo “lumayas”. Pinayuhan ni Don Segundo si Pastor na huwag ng hanapin si Andoy dahil mag-aaksaya lang ito ng panahon. Dagdag pa ni Don Segundo masamang tao si Andoy. Hindi natanggap ni Pastor ang sinabing iyon ni Don Segundo dahil ang mga magulang ni Andoy ay kapwa mga uliran. Nasa isip ni Pastor “Ang atis ay hindi namumunga ng balimbing.”

KABANATA VIII (8)

-Nalulungkot si Don Segundo dahil ang kanyang kaibigan na si Koronel Moto ay nagpapaalam para umalis, ngunit ilihim na muna raw ang patungkol sa kanyang pag-alis. Dumidikit at nakikipagkaibigan si Don Segundo kay Koronel Moto dahil sa kanyang mga makasariling interes. Halos gabi-gabi ay nasa bahay aliwan sina Koronel Moto at Don Segundo para magliwaliw. Si Lilibeth(Mestisang Amerikana, tumigil sa pag-aaral) ay kaibigan ni Dolly na lihim na pinagnanasahan ni Koronel Moto. Inalok ni Koronel Moto si Lilibeth na maging sekretarya nito at doon naisakatuparan niya ang kanyang planong mapasakanya si Lilibeth. Nagsisilos itong si Dolly sa mga nangyari kung kaya ay sinuyo siyang muli ni Koronel Moto. Binisita ni Koronel Moto si Dolly sa tahanan nito at may nangyari sa kanila. Ang mga magulang ni Dolly sa panahong iyon ay kasalukuyang nagbabakasyon sa Baguio. Sumunod sina Dolly at Koronel Moto sa Baguio at ipinagpatuloy nila ang rehearsal sa honeymoon.
-Dahil sa di natanggap ni Koronel Moto ang pagkatalong nasisilayan, makailang araw ang nakalipas ay nag-harakiri ito sa kanyang  tinitirhan sa Daytoa Avenue (Roxas Boulevard ngayon).

KABANATA IX (9)

-Nagpalipas uli ng gabi sa dampa ng mag-asawang matanda sina Mando, Karyo at Martin. Kinabukasan ay tinalunton nila ang patungo sa baybay-dagat. Dinukot ni Mando ang isang papel(pinagtalaan ng ilang banggit sa El Felibusterismo hinggil sa tinirhan ni Padre Florentino at ang eksaktong lokasyon na pinaghagisan ng kabang-yaman na ginuhitan naman ni Tata Matyas ng isang mapa kung paano matatagpuan ang lugar na iyon, upang siguruhin ang bawat lugar na mapuntahan nila. Sinabi ni Mando sa mga kasama ang lahat ng dapat nilang gawin. Sa simula tumawa lang ang dalawa ngunit nagkaintindihan din sa huli. Nagkasundo ang tatlo sa wakas at binuo ang kanilang plano.  Si Martin ay hindi marunong lumangoy kaya siya ang maiiwan sa bangka. Nagkaroon sila ng diskusyon patungkol sa parti. Pumayag din naman si Mando sa huli patungkol sa mga gustong mangyari ni karyo lalo na si Martin. Nagpasya ang tatlo na umaga lamang sila sisisid, limang dipa ang lalim ng tubig at masukal ang ilalim ng dagat. Unang araw ng kanilang pagsisid ay hindi naging matagumpay. Sa pangalawang pagkakataon ay nagkaroon sila ng bagong istratehiya. Tinalian ng lubid si Mando at Karyo para madaling malaman kung may masamang nangyayari sa sinuman sa dalawa. Sa pagsisid ni Mando dala niya ang kanyang sibat, si Karyo naman ay dala-dala ang isang gulok. Ilang sandali ang nakalipas ay nabigla si Martin na naiwan sa bangka dahil muntik ng tumagilid ang bangka. Lumutang si Mando na alalay ang duguang si Karyo. Dinala sa baybay dagat ang katawan ni karyo at kanilang ginamot ngunit ito’y binawian ng buhay. Ikinuwento ni Mando ang nangyari. Isang pating ang papunta sa harapan ni karyo, inulos ni Mando ang pating ng kanyang dalang sibat at isinalubong naman ni karyo ang kanyang dalang gulok. Ngunit hindi namalayan ni Mando na inabot si karyo ng ipin ng pating. Kapwa nagdalamhati ang dalawa. Sa di kalayuan ng kanilang kinalalagyan ay namalayan nila ang bangkay ng pating na nasa tabi ng dagat. Walang imikan nilang kinatay ang pating. Naisip ng dalawa na nawala nga ang buhay ni Karyo ngunit ililigtas naman sila ng pating sa maraming araw ng pagkagutom.

KABANATA X (10)

-Iba ang loob ni Mando kay Martin, mas may tiwala pa siya kay Karyo. Si Karyo kasi ang naging tulay nilang dalawa ngayong wala na si karyo wala narin ang ugnayan nina Mando at Martin. Sa bahaging ito ay bukang-bibig ni Martin ang patungkol sa parti niya sa kayamanan. Ipinagpatuloy nila ang sinimulan nilang  trabaho. Sa wakas ay natagpuan ni Mando ang nasabing kaban ng yaman ni Simoun. Inihaon ito at inilulan sa bangka. Nananabik si Martin na makita ang laman ng kaban ngunit bago iyon kumain muna sila. Nang buksan nila ang kaban tumambad ang kayamanang hindi nila lubos mapaniwalaan. Nasa isip ni Martin na yayaman na siya. Gustong-gusto na ni Martin na kunin ang kanyang parti. Ngunit pinigil siya ni Mando at sinabi niyang maging mahinahon. Hiniling ni Mando kay Martin ipagpabukas nalang ang iba nilang mga plano kasi pagod ito sa maghapong pagsisid. Ikinubli nila ang kabang-bakal sa ilalim ng mga halamang nagugubat at maaga silang nagpahinga. Ginising si Mando ng ilang kaluskos, napansin ni niya na itinatakas ni Martin ang kayamanan. Sinigigawan ni Mando si Martin ng pagkalakas-lakas. Lumapit si Martin kay Mando at itinaga ang hawak niyang gulok sa mukha ni Mando. Madilim kasi ang paligid kaya hindi napansin ni Mando ang hawak nitong gulok. Nang matihaya si Mando ay binigyan niya ng ubos diing sikad si Martin, kung kaya’t  humagis at ang likod ng ulo’y tumama sa isang malaking bato.

KABANATA XI (11)

-Nilapatan ni Mando ng gamot ang kanyang sugat mukha. Ibinaon ang bangkay ni Martin sa pinaglibingan kay Karyo. Magang-maga ang kanyang mukha. Tinahak niya ang daan patungo sa lugar ni Tata Matyas sakay ang bangka. Nilakad niya ang paakyat sa bundok ng Sierra Madre. Nagulat si Tata Matyas  ng dumating si Mando. Ipinagpahinga  ni Tata Matyas si Mando at nang mabawi na nito ang lakas na nawala, ay isinalaysay ni Mando kay Tata Matyas ang lahat-lahat. Sa bahaging ito ay inisa-isa ang mga alahas na purong alam ni Tata Matyas ang mga pinagmulan. Namalagi si Mando sa dampa hanggang sa naghilom ang sugat nito. Nag-iba ang mukha ni Mando, hindi niya makilala ang kanyang sarili.

KABANATA XII (12)

-Patapos  na ang Enero, 1945, Malaya na ang pilipinas sa pananakop ng mga hapones, lalo na ang Maynila. Naghiganti din ang mga Pilipino, pag-may nahuli silang hapones ay talagang bugbog sarado. Kung noon ayaw ng mga babae na lumabas dahil sa mga hapones, ngayon ay nahuhumaling na magpaganda ang mga dalaga at kababaihan dahil gustong mag-asawa ng kano. Hulyo, ganap na paglaya. Agosto 1945, sumuko ang imperyong Hapones, tapos na ang giyera.

KABANATA XIII (13)

-Nakahuli si Magat ng mga hinihinalang kasapi ng mga Hapones, sila’y mga Pilipino, ang kanilang pinuno ay si Andres (Makapili ang tawag sa kanilang samahan). Nagusap ang dalawang lider. Sabi ni Andres hindi kalaban ang mga Makapili. Nais niyang ipaintindi kay Magat na hindi tayo sasakupin ng mga Hapon kung wala rito ang mga Amerikano. Sila’y tumulong sa Hapon, pagkat nagnanais sila ng pagbabago, ang hapon ay nangako ng mga pagbabago. Nang matapos itong pag-uusap ng dalawang lider ay napagtanto ni Magat na tunay ang hangarin ni Andres at kung siya ang magpapasya sa kaso nito ay pawawalan niya ito ng sala.

KABANATA XIV (14)

-Kung ano ang paraan ng pakikipagkaibigan ni Don Segundo sa mga Hapones ay ganon rin ang mga pamamaraang ginamit niya sa pakikipagkaibigan sa mga Kano. Nagpatulong itong si Don Segundo sa kanyang matalik na kaibigang natutong mamangka sa dalawang ilog upang makakuha ng kredensyal na may posisyong tenyente koronel. Sinabi ni Don Segundo sa kanyang mga kaibigang Kano na sumapi sila sa Hapon hindi para tumulong kundi gumawa ng sabotahe at maniktik. Isinalaysay naman ng kaibigan ni Don Segundo na sila ay tumulong sa mga gerilya. Sa kasiyahang dinaluhan ay nagkakilala sina Dolly at Tenyente Whitey, nag-usap ang dalawa at para yatang nagkamabutihan. Nagkakilala naman si Lilibeth at Tenyente Green. Ilang araw ang nakalipas, itong si Dolly at Tenyente Whitey ay talagang nagkamaintindihan. Sila’y nagkasarilinan at nakalimot sa tinamasang kaligayahan. Nadestino si Whitey sa Iwo Jima.

KABANATA XV (15)

-Pagkaraan ng ilang buwan ay nagtungo sa Hongkong ang mag-inang Dolly at Donya Julia, bago sila umalis napansin kasi ni Donya Julia na nagbago si Dolly. Itong ina naman ay nagpayo na magsabi ng nararamdaman si Dolly. Naiintindihan ng ina ang nararamdaman ng anak dahil naranasan din niya minsan ang mapariwara. Ipinagtapat ni Donya Julia sa anak na si Gobernador Doblado ang talagang inibig niya, kaya lang hindi sila nagkatuluyan. Alam ni Don Segundo na magsyota ang kanyang asawa at si Osky noon, pero hindi nito alam na may nangyari sa kanila. Suwerte daw iyon sabi ni Donya Julia. Sinabi rin niya sa anak na hindi lang si Whitey ang lalaki sa mundo. Napagpasyahang maglakbay ng mag-ina at hindi ipinaalam ang totoong nangyari kay Don Segundo. Nagpalaglag si Dolly, matapos ang operasyon parang walang nabawas sa kanyang kagandahan. Wala pa ang isang linggo nanumbalik na ang dati nitong lakas.




KABANATA XVI (16)

-Nagdiwang ang lahat sa tinamong paglaya “liberasyon” at napatulad sa isang maingay na pistang bayan. Hindi nagbadwa ang lasing sa mga bar at lansangan. Nanumbalik ang kapayapaan, sapagkat natigil ang ingay ng kanyon at baril. Ngayon hindi na problema ang patungkol sa Kano-Pilipino laban sa Hapones kundi malaki laban sa maliit, gerilyang tunay vs. gerilyang palsipikado, namumuhunan laban sa anakpawis, maylupa sa kasama, at nagtitinda sa namimili. Ang mga taong bayan nagsisidaing sa sariling kalagayan at mataas na halaga ng mga pangunahing kailangan sa buhay.

KABANATA XVII (17)

-Bumaba si Mando sa bundok ng Sierra Madre at tinungo si Magat. Inanyayahan ni Mando si Magat na maging patnugot ng kanyang peryodiko. Nilibot ni Mando ang iba’t ibang purok sa hilaga at timog ng ilog Pasig. Tinungo rin niya ang tahanan ni Don Segundo, napansin niya ang mga tahanan sa paligid ng bahay ni Don Segundo ay halos nakadapa sa kahirapan. Pagkaraan ng isang buwan nakakuha si Mando ng imprenta sa isang pook sa Azcarraga. Isang bahay na dalawang palapag. Umupa rin siya ng bahay at inimbitahan din niya si Andres. Nakakilala din si Magat ng nagngangalang Iman na inalok naman nito ng gawain sa pahayagan. Tinipon ni Mando sa isang hapunan ang mga nagsisibuo ng “staff” sa pamumuno ni Magat. Ang pangalan ng kanilang peryodiko ay Kampilan. Ang tanging patnubay nila ay ang malinis na pagkilala sa katotohanan at matuwid. Ipinagtapat ni Mando na iiwan niya kay Magat ang pamamahala dahil sa siya ay maglalakbay sa ibang lupain. Ibinilin ni Mando na ilihim muna ang plano niyang pag-alis. Nang linggong sumunod ay nagsimula ng mamudmud ng mga pasinayang bilang  ang Kampilan.

KABANATA XVIII (18)

-Kalagayan sa mga bukirin sa harap ng lumulubhang di kasiyahan ng mga magsasaka. Tinotoo ni Don Segundo na paiiralin ang dating kondisyon. Nakiusap si Pastor na nais nga sa halip ng mga magsasaka na ibang kasunduan nalang ang pairalin at ang gastos ay dapat sarilinin ng maylupa yamang ito’y bahagi ng capital, at maghati sila ng patas. Tubo na lamang ang binabayaran ng mga magsasaka. Sabi ni Don Segundo walang maaaring magsabi sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin at kung ayaw ng mga magsasaka ang mga kondisyon niya ay lumayas silang lahat. Pag-uwi ni Pastor ay ipinagbigay alam niya sa mga lider rin ng mga magsasaka na hindi pumayag si Don Segundo sa kanilang gustong mangyari.
-Kinapanayam ni Iman ang lider ng mga unyonista na si Rubio (Ipinagtapat ni Rubio kay Iman ang lahat tungkol sa kanyang pagpatay sa dalawang espeya at pagtakas pagkatapos ngunit hiniling din niya na huwag na isama sa paglathala) dahil nagtitipon ang mga kinatawanan ng mga manggagawa sa iba’t ibang pagawaan, bahay kalakal at opisina. Nagpasyang magsanib sila sa isang pederasyon.



KABANATA XIX (19)

-Naghahanda si Mando sa kanyang pag-alis sa bansa. Si Tata Matyas ay alam ang sanhi at layon ni Mando kung bakit ito mangingibang bansa. Isinangguni din ni Mando kay Dr. Sabio ang kanyang napipintong pag-alis at pinayuhan naman siya nito, dahil sa malawak ang karanasan nito sa ganitong mga paglalakbay.

KABANATA XX (20)

-Tumungo si Magat at Mando patungo sa Hacienda Montero. Sa daan upang hindi mabagot ang dalawa ay nagpalitan sila ng kuro-kuro tungkol sa bagay-bagay. Napag-usapan nila si Kabesang Tales na Telesforo Juan de Dios ang tunay na pangalan na siyang naging tulisan at binansagang matanglawin. Pagpasok nila sa Hacienda Montero nagunita ni Mando na noong nagdaang giyera ay may ipinapagawa si Don Segundo sa kanya sa Hacienda Montero. Tinungo ng dalawa ang tahanan ni Pastor. Nagpakilala si Mando kay Puri at sila ay nagkakilala sa unang pagkakataon.

KABANATA XXI (21)

-Mula sa mahabang paghihintay ay dumating si Pastor. Ipinakilala ni Puri sa Ama ang mga panauhin. Andon sina Mando para sa ilang katanungan, nais nilang kunan ng panig ang mga magsasaka patungkol sa pang-aagrabyado ng may-ari ng lupa. Inanyayahan ni Pastor na roon na mananghalian ang dalawa. Sa kalagitnaan ng diskusyon ay nabanggit ni Pastor ang nawawalang pamangkin nito na si Andoy, na ayon kanyang balita ay sumama sa mga gerilya, ipinagtanong niya kung baka kilala nina ni Mando at Magat. Sumagot din naman si Mando na kilala niya si Andoy na mas kilala sa tawag na Andy. Sabi rin ni Mando na may iniwang maliit na kahon si Andoy para kay Pastor at Puri at nangako siya na dadalhin niya ito pagkabalik niya roon.

KABANATA XXII (22)

-Pagkakain nila ng pananghalian ay nagsidatingan sina Mang Tumas at Danoy. Nakibalita ang dalawa patungkol sa petisyon nila. Kinapanayam ng kampilan sina Mang Tumas at Danoy. Dumating si Dr. Sabio at ipinagpatuloy nila ang kanilang pag-uusap. Ipinaliwanag ni Dr. Sabio ang kaibahan ng Komunismo sa sosyalismo. Ayon sa kanya ang komunismo ay rebolusyonaryo at ang sosyalismo ay ebolusyonaryo. Pagkaraan ng ilang salitaan ay nagpaalam na ang taga-maynila. Nangako si Mando na babalik siya sa madaling panahon upang ipagkaloob ang kahong iniwan ni Andoy sa kanila.

KABANATA XXIII (23)

-Nag-iisang bumalik sa Hacienda Montero si Mando para tuparin ang kanyang pangako. Daladala niya ang kanyang sinabing kahon na iniwan ni Andy. Binuksan nila ang kahon at doon ay may isang liham. Sa isang balutan ay nakabalot ang isang kuwalta binilang ni Pastor ang pera at nalaglag sa pagitan ng mga salaping papel ng isang maliit na bagay. Isang singsing para kay Puri.  Ayaw naman isuot ni Puri kasi hindi siya isang maluhong babae. Sa huli ay sumang-ayon din si Puri na iingatan ang ala-ala ng naging pinsan. Nabanggit din ni Mando ang kanyang paglalakbay sa kanilang pag-uusap. Dumating ang isang namumuwisan at ito’y hinarap ni Pastor, habang si Puri at Mando ay nagkasarilinan. Sabi ni Mando kay Puri na gusto niyang ipangako nito sa kanya na sa pagbabalik niya si Puri ay buo at dating si Puri parin.
-Plano ni Dr. Sabio na bilhin ang Hacienda Montero ng saganon ay hindi na mahirapan ang mga magsasaka.

KABANATA XXIV (24)

-Si Mando ay naglakbay sa labas ng Pilipinas. Kakaunti lamang ang nakakaalam ng kanyang pag-alis. Dala niya ang malaking bahagi ng hiyas ni Simoun ang iba ay nakatiwala kay Tata Matyas. Ipinasadya ang pagkakagawa sa maleta. Sa Pilipinas ay nakabinta ng alahas si Mando sa ilang makapangyarihang tao.

KABANATA XXV (25)

-Nanumbalik ang kagandahan ni Dolly Montero, nagtuloy siya Europa para mag-aral. Sa bahaging ito ay sinalaysay ang simula ng pagyaman ni Son Tua. Nakapag-asawa siya ng isang talubatang biyuda at iniwan niya ang tindahang tela. Nagbukas ng mga pasugalan at pahititan ng apyan. Ang anak nitong babae ay napangasawa ni Major Bayoneta. Gustong baguhin ni Don Segundo ang ayos ng kanyang bahay. Si Engineer Pong Tuason na anak ni Son Tua ang magiging arkitekto, ang bahay ay magiging tatlong palapag. Pinalawak din ni Don Segundo ang nasasakupang lupa para mas lumawak pa ang lugar na katitirikan ng kanyang bahay.

KABANATA XXVI (26)

-Sa bahaging ito ay nagkasundo sina Obispo Dimas, Huwes Pilato, Heneral Bayoneta,  at Don Segundo Montero na maglaro ng Poker sa bahay ni Gobernador Oscar Doblado. Nagsasayang sila ng pera imbis na itulong sa mahihirap. Si Donya Ninay ay isang mayaman, maybahay ni Osky na nakaratay sa sakit. Inilarawan ang bahay ni Osky na talagang magara.

KABANATA XXVII (27)

-Naglaro sila ng poker. Nagkasabwatan sa mga pagplanong magpayaman pa ang magkakaibigan. Si Obispo Dimas ang nanalo sa laro nila.

KABANATA XXVIII (28)

-Nagmeryenda ang mga naglalaro ng poker. Napag-usapan nila ang patungkol sa peace and order. Dumating si Dr. Sabio (Leader ng Freedom University). Nagtanong si Obispo Dimas kung ano ang relihiyon ni Dr. Sabio. Ang sagot ni Dr. Sabio ay “ang relihiyon ay isang lihim ng konsiyensiya ng bawat isa”. Gustong bilhin ng Freedom University ang Hacienda Montero. Hindi pumayag si Don Segundo at doon natapos ang usapan tungkol sa Hacienda Montero, umuwi rin si Dr. Sabio.

KABANATA XXIX (29)

-Abala ang Kampilan sa pagkalap ng mga balita. May isang tagpo rito na tumawag sa telepono ang isang Madame XX, nagbanta na kapag binanggit ang pangalan ng kanyang kliyente ay idedemanda ang Kampilan. Ang sagot naman ni Andres “ibabalita namin ang pagtawag ninyo sa telepono, at ang banta ninyong isasakdal kami sa isang kaso”. Ang nasagot ni Madame XX “kayong bahala”. Nabanggit din sa kabanatang ito ang patungkol sa isang Pilipinong isinakdal ang isang Amerikanong nasa mataas na posisyon dahil sa kasamaan nito. Ang pangalan ng pahayagan ay El Renaciemento. Nasawi ang Pilipinong iyon ngunit ang katotohanang kanyang isiniwalat ay habang buhay na mananatili sa diwa ng lahat. Binanggit din dito ang isang editorial na may pamagat na “MGA IBONG MANDARAGIT”. Tinalakay sa editorial na ito na may dalawang uri ng nilalang sa mundo una ay ang kumakain at lumalaklak. Pangalawa naman ay ang kinakain at nilululon. Ang mga tauhan sa nasabing editorial ay mga hayop gaya ng agila, buwitre, kuwago, malaking bayawak (vampira) sumisipsip ng dugo na pawang may simbolismo.

KABANATA XXX (30)

-Naganap ang kabanatang ito sa kongreso, nagkaroon sila ng pagpupulong para sa pagpapatibay ng bill ng pilipinasyon ng mga kalakal sa tingian. Marami ang dumalo, may mga senador na nagsalita ng Espanyol at Ingles, dito unang makikita si Senador Maliwanag. Sinabi niya kung tunay tayong malaya bakit kailangan pa nating gumamit ng wikang banyaga sa pagsasalita at bakit ang mga banyaga ang naghahari sa negosyo dito sa Pilipinas. Natapos ang pagpupulong na walang naging magandang resulta para sa mga api.

KABANATA XXXI (31)

-Dumating si Mando sa Paris, kumuha siya ng kambal na silid sa Otel Ritz, napagkamalan siyang isang Meksikan. Ipinasyal ni Mando ang kanyang sarili sa Paris. Isinulat niya sa kanyang talaarawan ang lahat ng mga nangyari sa kanya bago paman dumating sa Paris.

KABANATA  XXXII (32)

-Nagbulaybulay si Mando sa pagsulat sa kanyang talaarawan. Marami na siyang napuntahan na siyudad sa Europa. Marami siyang natutuhan. Di na rin maliit ang kaunlaran ng kanyang utak. Nagbago na rin ang kanyang anyo, gayak at kilos. Ginunita niya na mula sa Maynila, Saigon, Timog Vietnam, Bangkok, Thailand, Ragoon, Burma, Karachi, Pakistan, Cairo, Ehipto, Mediteraneo, Ankara, Turkiya, Milan, Italya, Madrid, hanggang sa dumating siya sa Espanya. Sa kabila ng kagandahang naranasan hindi ipinagliban ang tunay na layon ng kanyang paglalakbay. May nakita siyang mga Pilipino na ayaw ng bumalik sa Pilipinas. Marami siyang pinuntahan kagaya ng Basilica sa San Pedro. Marami siyang nakita at nasaksihan. Tinalakay dito iyong isa sa mga utos ng simbahan na bawal magbasa ng mga librong ipinagbabawal na basahin (Voltaire, Victor Hugo). Paulit-ulit na nagkakasala ang nagbabasa ng masasamang babasahin. Sa bansang Suwisa napagtanto ni Mando ang sinabi ng kanyang guide na “dito’y di iniyayaman ang puwesto sa gobyerno” nasa isip ni Mando na ibang-iba ang pamahalaan at takbo ng buhay sa ibang bansa. Pagdating niya sa London nakakilala siya ng isang manunulat na Ingles. Naitanong ni Mando bakit ang mahal ng sigarilyong Amerikano sa London. Ang sagot ng bagong kakilala ay upang mapangalagaan ang kanilang sariling produkto. Sa harap ng kanyang Otel Ritz abot tanaw ang Eiffel Tower.

KABANATA XXXIII (33)

-Kinaumagahan sa Otel Ritz ay tumawag si Helen(Espanyol-Irlandes-Pilipina) Kay Mando. Nagkakilala sila sa Geneva dahil sa negosyo. Singko porsiyento ang nakukuha ni Helen sa pagbibinta ng mga hiyas sa mabuting halaga. Marami na silang napagbintahan sa tulong ni Helen. Inaanyayahan ni Mando si Helen mag-almusal sa restauran ng Otel Ritz. Nag-usap naman sila patungkol sa negosyo kasi may bagong buyer si Helen. Lumabas sila ni Mando at Helen para magliwaliw. Ang huling club na kanilang pinuntahan ay ang Bal Tabarin. Napagod si Helen sa kasasayaw at nagpasyang  iuwi na siya ni Mando. Sa paglabas niya sa club ay napansin ni Mando ang isang babaing namumukahaan niya. Nakita niya si Dolly Montero.

KABANATA XXXIV (34)

-Nagpasya si Mando na bumalik sa Bal Tabarin. Habang pinagmamasdan ni Mando si Dolly ay naaalala niya ang mga hirap na kanyang dinanas at ng kanyang mga magulang sa pamilya Montero. Nakatingin si malayo si Mando, at nagagandahan siya kay Dolly. Si Dolly ay may kausap na Amerikano. Itong Pierre ay nagpupumilit kay Dolly na lumabas sila at magliwaliw saan man nila gustuhin, ngunit ayaw ni Dolly. Tumayo si Pierre at tinangkang halikan si Dolly. Nakailag si Dolly at lumabas. Sinundan siya ni Pierre at niyakap (nasabi ni Dolly  huwag…utang na loob). Lumapit si Mando at inawat ang Amerikan. Sagot ni Pierre sa pakikia-alam ni Mando ay “its none of your business”, sabay tulak ni Pierre kay Mando. Sinuntok ni Mando si Pierre. Nabitawan sa pagkakahawak si Dolly at agad silang lumabas ni Mando. Nagpasalamat itong si Dolly kay Mando. Nahuhulog ang loob ng babae sa kanyang tagapagligtas. Inihatid ni Mando si Dolly sa dormitory nito. Inanyayahan siya ni Dolly si mando na mananghalian pagkabukas. Naiisip ni Mando na baka ito na ang pagkakataong makapaghiganti. Kinabukasan tumawag si Helen, kinukuha iyong alahas na ipagbibili niya sa isang artista. Hindi nayaya ni Mandong  kumain sa labas si Helen dahil may ka-date na ito. Dumating si Mando sa napag-usapang tagpuan ng dalawa. Napakaganda ni Dolly at napakaayos ng kanyang pananamit. Nagtanong itong si Dolly kay Mando kung may nobya na ba ito. Ang sagot ni Mando ay nakatagpo na siya ng mga babaeng puti ngunit ni isa man doon ay walang nagpatibok ng kanyang puso. May ikinuwento si Mando na isang tagpo habang siya ay nag-wi-window shopping . may isang  babaeng bruselas-plamengka (22 taong gulang) ang lumapit sa kanya at nagtanong ng “ayaw mo bang magliwaliw?”. Sinagot naman siya ni Mando ng magkano. Dinala ni Mando ang babae sa isang restauran. Malakas kumain ang babae, kumain ito ng para sa dalawang katao. Tapos ay nasabi ng babae kay Mando na handa na siya sa anumang ipapagawa nito. Inihatid ni Mando ang babae sa bahay nito. Ang babae pala ay may dalawang anak. sa gabi nagtatrabaho, sa umaga kapiling ang mga anak. lalong nabighani si Dolly kay Mando, pagkatapos niyon ay namasyal sila dahil nagyaya itong si Dolly.

KABANATA XXXV (35)

-Namasyal na naman ang dalawa. Nagpaganda na naman itong si Dolly at ipinasadya pang ipatahi ang kanyang damit. Si Dolly ay nagpapahiwatig at humahandog , samantalang si Mando ay nagtitimpi at nakikiramdam. Inihambing ni Dolly na mas higit ang pagkalalaki ni Mando kaysa sa iba. Itong si Mando ay nagpasyang ayaw ng lumapit kay Dolly ngunit hindi niya mapigilan ang nakakahalinang kagandahan ni Dolly. Walang masamang hangarin si Mando, siya lamang ay nabighani sa kagandahan ng mapusok na si Dolly. Nang matapos ang magdamagang pagliliwaliw ay hindi na maaring makapasok si Dolly sa dormitory dahil sa curfew nito. Kaya nagtuloy sila sa Otel Ritz. Nang gabing yaon ay may nangyari sa kanila.

KABANATA XXXVI (36)

-Ang mga plano ni Mando ay natutupad na, ang mga alahas ay unti-unti nang naibibinta, bonus pa itong si Dolly.  Hindi matiyak ni Mando kung ito bang si Dolly ay umiibig sa kanya. Nagpaplano itong si Mando na pumunta sa Amerika kaya nag-usap sila ni Mike (ahente sa Estados Unidos). Nag-usap sila kung papaano maipapasok ang mga hiyas sa bansang Amerika, at kung maipapasok naman kasi ay malaki ang babayarang buwis. Nabuo nila ang plano. Nang sumunod na gabi tinungo ng dalawa si Koronel Mosca (diplomatikong Kaibigan ni Mike). Nagsabi itong si Koronel Mosca na iyong mga babaing Amerikana ay malamig na parang isang pakete galing sa Fregedir. Dahil noong minsang magkarelasyon siya sa isang amerikana ay kapag nagdadate sila tanging ginagawa ng babae ay ngumunguya at nagbabasa ng komiks.

KABANATA XXXVI (37)

-Ang bahaging ito ay puno ng suyuan, pagtatalik ng nagkakamabutihang sina Mando at Dolly. Nagpaalam si Mando na pupunta sa Amerika. Imininungkahi naman ni Mando na hintayin nalang  siya hanggang sa siya’y makabalik. Ipinasya ni Dolly na uuwi na lang siya sa Pilipinas dahil matatapos na rin ang kanyang pag-aaral. Ito ang huling gabi ng suyuan nila.

KABANATA XXXVIII (38)

-Nakarating ang tatlo sa New York (Mando, Mike, Koronel Mosca). Nasunod ang lahat ng kanilang plinano. Itong si Koronel Mosca ay nakakilala ng isang multi-milyonaryang Amerikana, mas matanda sa kanya na isang  balo. Nagpasya silang magpakasal. Nabihag si Mando ng Amerika, sa kalakhan nito at kaunlaran. Walang bagay na hindi mabibili sa Amerika at walang hindi kayang bilhin ng Amerika. Nagbinta rin ng mga alahas si Mando sa maayos na presyo. Mahigit dalawang taon na si Mando sa ibang bansa. Sumusulat naman ang taga- Pilipinas sa kanya, ibinalita sa kanya na hindi na si Pastor ang katiwala ng Hacienda Montero kundi iba na.
-Isa sa mga tagpong rito na nagpapakita ng suliraning panlipunan ay ang kalagayan ng mga negro. Hindi sila itinuturing na kapantay ng mga puti. Kagaya halimbawa ng nangyari kay Steve, matapos niyang matanggap ang medalyang simbolo ng kanyang pakikidigma sa bansang Amerika laban sa ibang bansa, ay sa eksaktong araw ding iyon na gusto niyang kumain sa isang restauran sinabi sa kanya ng staff doon na bawal ang negro o “off limits” para sa mga negro. Mayroon ding isang Pilipino na nagsikap na magtrabo at mag-aral para lang makakuha ng titulong “Amerikan Citizen” dahil sa pag-aakalang mabibiyayaan siya ng pantay na karapatan ng mga tunay na Amerikano. Subalit ng minsang lumabas ang nasabing Pilipino kasama ng kanyang kaibigang Mestisong Kubano,  nang pagpapasok nila sa pintuan ng club tanging ang Pilipino lamang ang hindi pinapasok. Kahit na iwinasiwas niya ang kanyang kredensyal na nagsasabing siya’y Amerikan citizen, ang kubano naman na walang ganoong kredensyal ay pinapasok dahil sa puti ang balat nito. Pinayuhan ni Mando ang mga Pilipino roon na bumalik  ng Pilipinas at doon ilagak ang mga natutuhan sa mga natapos na kurso.

KABANATA XL (40)

-Nagpadala si Mando ng sulat sa Pilipinas, ibinalita niya na tapos na ang kanyang misyon at siya ay babalik na sa Pilipinas.

KABANATA XLI (41)

-Tapos ng ipagawa  ang Mansyon ng mga Montero. Ang lahat ng bahagi sa tahanang iyon ay talagang gumanda. Naghanda ng kasiyahan ang pamilya Montero para bigyan pugay ang kanilang bagong gawang bahay at ang kababalik na si Dolly. Inilarawan din sa bahaging ito ng kabanata ang mga bisita na may  magagarang damit at alahas. Dumalo ang Presidente at ang First Lady. Si Dolly naman ay hindi mapakali dahil nasasabik na hinihintay ang pagdalo ni Mando. Si Arkitekto Pong Tuason ay may lihim na pagtingin kay Dolly. Humanga ang lahat sa kagandahan ni Dolly. Dumating din sa wakas itong si Mando. Napag-usapan ng mga bisita ni Don Segundo ang Kampilan, dahil sa wala itong takot na isinisiwalat ang totoo, na sila-silang nag-uusap ang nasasagasaan.

KABANATA XLII (42)

-Nasiyahan si Mando dahil hindi siya makilala ng lahat dahil sa pilat sa kanyang mukha. Nagrereklamo naman itong si Dolly dahil lagi nalang abala sa trabaho itong si Mando, gusto niya kasing maulit ang mga nangyari sa kanila sa Paris. Lumapit si Don Segundo at inanyayahan niya si Mando na sumabay sa kanila ng Presidente sa pangangapi. Pinagtulungan nila si Mando tungkol sa kanyang mga pinatatamaan sa kanyang peryodiko. Sabi ng Presidente “mi palagay akong kalaban kayo ng administrasyon. Dagdag naman ni Senador Botin “at ng mga politiko”. Dagdag parin ni Don Segundo “kalaban din ng mga asendero at namumuhunan”. Ang sagot ni Mando ay “walang pahayagang mabubuhay kung wala siyang gagawin kundi ang lumikha ng mga kaaway, ang misyon ng peryodiko ay tumuklas at magbalita ng katotohanan,  kailanman ay di kami tinulak ng hangarin at damdaming personal”. Natapos ang kanilang pag-uusap na naipaliwanag ng mabuti n Mando ang kanyang panig. Ang tanging mga pangungusap na nasabi ng Presidente kay Mando ay “bigyan ninyo ako ng pagkakataon, di ako natatakot sa tuligsa pero sigurong makagagaling sa ating lahat kung ako’y inyong tulungan kesa  sabuyan ng putik”.

KABANATA XLIII (43)

-Dito sa bahaging ito ay isinalaysay ang tuluyang pagyaman ni Don Segundo Montero. Isang gabi bago nagkasiyahan may tatlong panauhin si Don Desgundo ito’y sina Gobernador Oscar Doblado, Heneral  Bayoneta, at Son Tua. May pinaplano silang illegal na gawain, ito’y ang pagpupuslit ng armas sa Pilipinas. Bahala na si Heneral at Gobernador sa proteksyon. Si Son Tua at Don Segundo naman ang bahala sa capital. Binanggit din ni Don Segundo sa kanilang pag-uusap ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan , alam nila kung sino-sino sila. Nang matapos na nila ang kanilang usapin ay hiniling ni Segundo kay heneral at gobernador na paki-alaman ang mga nangyari sa kaniyang asyenda. Inabutan ni Don Segundo si Gobernador Doblado ng isang bilot ng mga papel-de-banko.

KABANATA XLIV (44)
-Nagkaroon ng isang kawanggawa ang mga litaw na babae sa kanilang pulong-minindal sa Manila Hotel, sa pangunguna ni Donya Julia. Dito inilarawan ang iba’t ibang katangian na tinataglay ng mga babaeng naroroon sa pulong na iyon. Ang First Lady sana ang panauhing pandangal kaya lang ay hindi ito nakadalo. Kung kaya pinagpasyahan nilang sa ibang araw nalang itutuloy ang pulong at tiyakin na makararating ang panauhing inimbitahan.

KABANATA XLV (45)

-Bagong katiwala sa Hacienda Montero ay si Kapitan Pugot (Meron siyang mga tauhan). Siya’y hindi kasundo ng mga magsasaka, malupit at masama, itinakwil niya ang kanilang mga kahilingan. Si Pastor at Puri ay lumipat sa kanilang sariling lupa sa dulong baryo. Ang lupang iyon ay minana ni Puri sa  kanyang ina. Ayaw din namang umalis ng mga magsasaka  dahil doon na namatay ang kanilang mga magulang at doon na rin sila ipinanganak. Magkakaroon sana ng piknik sa Hacienda Montero ang may-ari ng lupa. Nang sumama ang pakiramdam ni Donya Julia kung kaya ay hindi natuloy ang planong pag-iimbita ni Kapitan Pugot. Sa bahay ni Pastor ay dumating si Rubio at Iman. Inimbitahan ni Rubio ang mga  mamamayan roon na dumalo sa malaking  pamahayag at pulong-bayan sa maynila.

KABANATA XLVI (46)

-Bayan-bayanan ang mga magsasaka sa Hacienda Montero sa dulong bayan at mga kaugnay-nayon ay humanda sa pagluwas sa Maynila. Malaking bilang ng mga mamamayan ang lumuwas sa maynila para dumalo sa pagtitipon. Si Danoy ay may lihim na pagtingin kay Puri. Bago tumuloy sina Pastor at Puri sa nasabing pulong ay tumuloy muna sila sa kampilan. Sa tagpong ito ay muntikan ng maipahayag ni Mando ang kanyang nadarama kay Puri, kaya lamang ay sumingit sa kanilang pag-uusap si Pastor na nagpaalala na baka gabihin sila.

KABANATA XLVII (47)

-Tumuloy sila sa bahay ni Mando. Simple lang iyong bahay ni Mando, puro lalaki ang kanyang mga katulong. Andon din sila para maghapunan (nagkausap sina Pastor at Tata Matyas). Ipinagtapat ni Mando kay Puri ang kanyang nararamdaman rito. Ngunit ang sagot ni Puri ay pagiisipan nya raw muna. Sabi ni Puri “bakit ako e, simpleng tao lang siya, taga-bukid, walang alam sa pagpapaganda. Kung magiging sila ba ay kailangan niyang baguhin ang kanyang gawi. Ang naisagot ni Mando “wala kang iiwan at wala kang babaguhin”.  Ngunit biglang may dumating sa tagpong iyon at ipinaalam sa kanila na handa na ang pagkain.

KABANATA XLVIII (48)

-Bago magsimula ang pulong ay inawit na muna ang pambansang awit ng Pilipinas. Maraming dumalo, sinimulan ni Rubio ang kanilang layunin sa pagkakataong iyon. Naging tagapagsalita din si Pastor, ipinaalala niya ang kasaysayan ni kabesang Tales. Si Danoy naman isinalaysay niya na gumagamit ng dahas ang maylupa. May dalawang alagad ng batas na dumating at hinarap sila ni Rubio. Sinabi ni Rubio sa alagad ng batas na wala silang dapat ikabahala dahil ito’y isang miting ng mahihirap. Ang susunod na tagapagsalita ay si Mando Plaridel…

KABANATA XLIX (49)

-Si Mando ay kaibigan ng mga api, ipinaliwanag ni Mando na ang Kampilan ay tagapagsanggalang ng mga dukha, ng katotohanan at katwiran. Inilarawan ang sa ganang kanya’y dapat tamasahin ng isang  malaya at may kasapatan sa sarili. Pinansin ni Mando ang maling paghahanda ng maraming kabataan dumarayo sa siyudad upang humanap ng mapapasukan sa mga opisina. Ang kasunod na ispiker ay si Senador Maliwanag (isang batang maagang naulila), tinaguriang bilang kampyon ng nasyonalismong Pilipino. Bago niya sinimulan ang kanyang talumpati ay nagbigay muna siya ng isang mahalagang pangyayari, sabi niya “pinayagan ng Arabeng maipasok ng kamelyo sa tolda ang kanyang ulo. Pagkaraan ay ang buo niyang katawan at wakas, sinipa niya ang Arabe upang masarili ang tolda. Ganyan ang kapares ng ating bayan at ng mga dayuhang nakikituloy sa bansang ito. Nagkainitan ang mga salita ni Senador Maliwanag.

KABANATA L (50)

-Isang mahiwagang sunog ang biglang nagliyab sa sakahan sa gitnang Luson. Ang apoy ay matuling kumalat sa kamalig na simbilis ng sigaw ng isang magsasakang napopoot. Wala masyadong tao sa Hacienda Montero dahil dumalo sa pulong sa Maynila. Wala rin raw si kapitan pugot sa oras ding iyon. Sinisi ni kapitan Pugot na ang mga magsasaka ang may pakana sa sunog. Kaya nag-utos siyang halughugin at puntahan ang mga bahay ng mga magsasaka. Natagpuan daw nila sa bahay ni Pastor ang isang baril, isang dokumento naman sa bahay ni Mang Tumas, gas at basahan naman sa bahay ni Danoy. Galit na galit si Kapitan Pugot. Madaling araw na ng dumating ang sasakyang sinasakyan ng nagsitungo sa maynila. Pinahinto ang sakayan at kinapkapan ang mga lalaki. Nagtanong si Pastor kung bakit nila ginagawa iyon. Ayon sa sinabi ni Kapitan Pugot na sila ang may pakana ng sunog sa Hacienda Montero. Si Danoy ay nagpaiwan sa Maynila. Pinauwi ang mga babae at ang mga lalaki naman ay kinapanayam ng mga nagbibintang sa kanila. Ipinipilit na ipinaaamin sa kanila nina Pastor na ang mga natagpuang bagay sa kanilang mga bahay ay sa kanila. Sa huli, kinulong ang mga magsasaka (25 katao).

KABANATA LI (51)

-Nagtungo si Dolly sa tanggapan ng Kampilan para puntahan si Mando.  Nagyayaya si Dolly na lumabas sila ni Mando. Pumayag naman si Mando ngunit maghintay muna ng ilang sandali si Dolly dahil may tatapusin lang si Mando. Mga ilang minuto ay dumating si Puri. Napako agad ang atensyon ni Mando kay Puri. Isinalaysay ni Puri ang nangyari, namumutla ang pisngi, hindi rin nakapanghalili ng damit kahapon, dungisan ang mga paa at kamay. Siya’y tumakas sa civilian guard sa kanilang bahay sa dulong baryo. Tinahak ang bukid na matalahib hanggang sa makasapit sa lansangang dinaraanan ng mga sasakyang patungong maynila. Inusisa ni Mando at Magat si Puri sa sunog. Nilapitan ni Dolly si Mando at sinabing hindi pa ba sila aalis, ang sagot ni Mando ay hindi siya makakasama dahil may importante siyang aasikasuhin. Nagulat si Dolly  kasi bakit uunahin pa ang iba, sino ba daw ang mas mahalaga?. Napansin ni Dolly na ang babaeng panauhin ang dahilan, nilapitan niya ito at tinitigan ng maigi. Nagsilos itong si Dolly at sinabi ni mando na pinsan niya ang babaeng pinagsisilusan nito.

KABANATA LII (52)

-Namangha itong si Dolly dahil napansin niya sa kanyang pagkatitig kay Puri, e, talagang maganda. Naisip niya rin na wala sa tinatawag na class itong si puri, halata naman daw sa pananamit. Inisip ni Dolly na kung makikilala niya si Puri ng lubusan ay mapapalapit siya husto kay Mando. Kinausap ni Dolly si Puri, hanggang sa nagkainitan ang kanilang pag-uusap. Nagkasukatan ang dalawa at umuwing talunan si Dolly.

KABANATA LIII (53)

-Naiipit si Mando sa dalawang babaeng kapwa umiibig sa kanya. Sa paglabas ni Dolly sa tanggapan ng Kampilan ay sinundan ito Mando at nangakong babawi sa lahat ng pagkukulang. Umalis si Dolly na masama ang loob. Si Tata Matyas, Dr. Sabio, Magat, Danoy, at Puri ay nag-usap-usap sa kung ano ang nararapat nilang gawin sa lumalalang sitwasyon. Si Dr. Sabio ay kinausap si Don Segundo tungkol sa pagbili niya sa Hacienda kaya nga lang ang halagang kapalit nito ay sobrang napakamahal.



KABANATA LIII (53)

-Hapo, gutom at pagkabalisa ang nararamdaman ng mga magsasakang kinulong sa kuwartel ng mga civilian guard. Walang pwedeng dumalaw na kamag-anak, naging maramot ang pagbibigay ng tubig, kung magbibigay naman ay galing sa sapa ang tubig na iyon.  Naniniwala si Pastor na gagawa ng paraan ang kanyang anak na si Puri, dahil hindi niya ito pinalaking duwag. Inilipat sila sa kabisera. Ang pinaglipatan sa kanila ay madilim na kulungang may limampung yardang parisukat, walang tanging tanglaw kundi isang maliit na bombilya. Kinuha si Pastor na mga napag-utusang civilian guard at inihiwalay sa mga kasamahan nito, binugbog at ipinilit na paaminin sa kasalanang hindi ginawa, ngunit matigas si Pastor .

KABANATA LIV (54)

-Binugbog ng maigi si Pastor, ibinalik siyang walang malay sa una nitong silid. Namataan pa ni Pastor si Mang Tumas na nandoon pa sa kanyang tabi. Ngunit pagsikat ng araw pagkagising niya mula sa pagkakaidlip ay napansin niyang wala na si Mang Tumas. Pinalabas silang lahat sa kulungan at gumawa ng isang hanay na pahaba. Tinawag silang preso ngunit hindi paman nasasakdal. Doon ipinaliwanag ng sarhento ang mga oras ng orasyon ng pagkain, tubig at iba pa.

KABANATA LV (55)

-Hinarap nina Mando ang mga kailangang hakbang. Si Dr. Sabio ay inihatid si Puri sa dormitoryo upang doon muna mamalagi. Inutusan ni Mando si Iman para mangalap ng balita sa Hacienda Montero. Itong si Danoy ay nagpaplanong maghiganti kay Kapitan Pugot. Nalaman rin nilang inilipat sa kabisera ang mga magsasaka. Kinagabihan ay nagpulong uli sina Magat, Danoy, Andres, Tata Matyas, Mando, Dr. Sabio, at Rubio.

KABANATA LVI (56)

-Si Heneral Magno Bayoneta, Senador Botin, Son Tua, Gobernador Oscar Doblado, Don Segundo Montero at Kapitan Pugot ay nag-uusap sa Baguio. Napag-usapan nila ang patungkol sa mga kabiguan nila. Inihalintulad nila ang noon sa kasalukuyang panahon, hindi naaayon ang lahat sa kanilang mga plano. Nagbago na ang lahat. Si Dolly naman ay dikit ng dikit kay Pong Tuason.  Iminungkahi ni Heneral Bayoneta na tutal malapit itong si Dolly kay Mando ay baka pwedeng pakiusapan nalang ng maayos. Inakala nilang darating ang panahon na hihingin ni Mando ang kamay ni Dolly para pakasalan bilang kapalit ng pagsang-ayon ni Don Segundo ay ang pagtigil nito sa mga isyung ipinupukol sa kanila.

KABANATA LVII (57)

-Inakala ni Don Segundo na itong anak niyang si Dolly ay isang binibining may busilak  na kapurihan. Pinakiusapan niya si Dolly na gusto niyang makausap si Mando. Tinawagan ni Dolly si Mando at inimbitahang pumunta sa kanilang tahanan sa Baguio. Eksaktong pagkakataon rin dahil si Mando ay paroroon rin sa Baguio para dumalo sa pagtitipon ng mga editor sa peryodiko.

KABANATA LVIII (58)

-Pagkaraan ng dalawang araw ay dumating sa Pines Hotel sina Mando at Magat. Kinabukasan ay gaganapin ang pagtitipon ng mga editor. Nananabik si Dolly sa pagdating ni Mando. Umaasam din sa masinsinang pakikipag-usap sa publisista si Don Segundo.

KABANATA LIX (59)

-Dumating na nga si Mando sa tahanan ng pamilya Montero sa Baguio. Kumain muna sila ng hapunan. Nagkausap sina Don Segundo at  Mando sa sa isang silid. Hindi sila magkasundo sa hangarin ng bawat isa. Sinabi ni Mando kay Montero na ang kampilan ay hindi negosyo puro capital lang, ngunit hindi sila nalulugi, layunin nilang maglingkod sa bayan. Sinabi rin ni Don Segundo na itigil na nito ang pagtuligsa sa kanila, kapalit ng Hacienda Montero ang kanyang Kampilan. Hindi makakapayag si Mando. Naisip rin ni Don Segundo na kung ayaw nito na maging kapalit ang Hacienda Montero ay si Dolly nalang na kanyang anak. Sa huli nasabi ni Don Segundo na “sa damdamin ko’y nakilala ko na kayo nang malapitan”. Ang naging sagot ni Mando ay “Mabuti kung gayon, pero baka nagkakamali kayo, pagkat kung makilala ninyo kung sino ako, alin sa dalawa, ako’y inyong sumpain o sumpain ninyo ang inyong sarili”. Lumabas si Mando at tinungo si Dolly sa teresa. Nagkausap ng masinsinan ang dalawa, ipinagtapat ni Mando kay Dolly ang lahat. Nagmistulang ipinako si Dolly sa kanyang kinatatayuan ng mabatid ang katotohanan. Kinasusuklaman niya si Mando. Tahimik na umalis hindi ang alipustang si Andoy, kundi ang marangal na si Mando Plaridel.

KABANATA LX (60)

-Pinangatawanan ni Dr. Sabio kasama ang mga abogadong katulong  sa labanan sa hukuman. Nagpasya ang hukuman na palayain si Pastor at ang mga kasama nito dahil sa bisa ng lagak. Isang hiwalay na usapin ang pananagutan ni Kapitan Pugot sa pagpatay kay Mang Tumas. Ibinurol ang bangkay ni Mang Tumas sa yugtong ito.

KABANATA LXI (61)

-May dalawang civilian guard na kasamahan ni Kapitan Pugot ang pinaslang. Malalim na sugat sa leeg na gawa ng matalas na gulok. Inisip ni Kapitan Pugot na ang pagkamatay ng kanyang mga kasamahan ay may kaugnayan sa kamatayan ni Mang Tumas. Maagang namahinga ang mga pamilya ng mga magsasaka dahil sa kaguluhan sa asyenda. Nagkaroon ng putukan  na naging sanhi ng sunog. Ipinalabas ni Kapitan Pugot na sumalakay ang mga taong labas ngunit ang totoo ay gawa-gawa lamang niya iyon. Para ipaghiganti ang pagkamatay ng mga kasamahan niya. Maraming nasawi may bata, babae,at  matatanda.



KABANATA LXII (62)

-Naganap na ang pagtitipon ng mga editor sa peryodiko. Ipinaliwanag ni  Mando na ang peryodikong Kampilan ay panig sa katotohanan at totoong serbisyo  para sa mg api. Walang kinikilalang babanggain at kinikilingan.

KABANATA LXIII (63)

-Nakabalik na sa Maynila si Mando at dinalaw agad nito si Puri sa dormitory. Nagkausap sila at pinakiusapan si Puri na tapusin ang pag-aaral nito, huwag  na munang bumalik sa Hacienda Montero para hindi madamay sa lumalalang problema roon. Napag-usapan din na dalawa ang patungkol sa kanila.

KABANATA LXIV (64)
-Habang tinatahak ni Mando ang daan pauwi sa kanyang tahanan ay muntik na siyang mabangga sa isang Jeep na nakaharang sa daan. Bumaba siya at tinungo niya ang Jeep. Nakakita siya ng dalawang lalaki na nakayuko, may ina-ano sa makina. Ang dalawang misteryosong lalaki ay nagpaplano ng masama kay Mando.  Nasaksak si Mando sa tagiliran ngunit nalupig naman niya ang dalawang lalaki. Mga ilang sandali ay dumating ang mga pulis.  

KABANATA LXV (65)

-Isinugod si Mando sa ospital. Sumugod lahat ng mga kaibigan ni Mando lalong-lalo na si Puri na balisang-balisa, alalang-alala siya kay Mando, halatang-halata ang kanyang nararamdamang pag-ibig. Si Dolly naman ay walang pakialam sa sinapit ni Mando. At sa pagkakataong iyon ang pinakaulo ng balita ay ang pagtatangkang pagpatay  kay Mando.

KABANATA LXVI (66)

-Pagkaraang mabalita ang pagtatangkang pagpatay kay Mando Plaridel ay halos nagkasabay-sabay ang pagkawala sa Maynila ng mga maliit na sirkulo ng malalaking “maginoo”. Si Senador Botin ay tumungo sa ibang lupain. Si Gobernador Doblado nagbakasyon naman sa hongkong. Namatay ang kanyang asawang paralitiko na si Donya Ninay. Sumama si Donya Julia at Dolly para makiramay. Nagkaroon  ng panahong makapag-usap sina Julia at Osky na dating magkatipan.

KABANATA LXVII (67)

-Ipinagtapat ni Mando ang lahat-lahat kay puri na silang dalawa ay pinsang-buo. Naguluhan si Puri sa kanyang nararamdaman. Tanong ni Mando kay Puri “nagbabagong loob kaba, mahal ko?”. Natitiyak ni Puri sa kanyang sarili na hindi siya magbabagong loob. Si Pastor ang inaalala ni Puri. Ipinangako ni Mando na siya ang bahalang magpaalam kay Pastor. Ipinagbigay-alam ni Mando kay Pastor ang lahat-lahat. Lubos ang kasiyahan ni Pastor ng malaman ang katotohanan. Hindi tumutol si Pastor sa pag-iibigan ng dalawa. Bagkus bago sila nagsalu-salo ay buong karangalan na ipinaalam ni Pastor ang pagpapakasal ni Mando at Puri sa madaling panahon.

KABANATA LXVIII (68)

-Natagpuan ang bangkay ni Kapitan Pugot na nakasabit na patiwarik sa malabay na sanga ng isang matandang punong kahoy. Si Son Tua ay kinidnap. Si Don Segundo naman ay naparalisa ang buong katawan ng malaman nitong hindi nagtagumpay ang kanyang planong pagpapatay kay Mando. Napasailalim sa pamamahala ng mga magsasaka ang Hacienda Montero.

KABANATA LXIX (69)
-Tumanggap si Mando ng telegram mula sa Presidente, iniimbitahan sila nito. Pumunta sina Mando, Senador Maliwanag at Dr. Sabio. Humihingi ng pakiusap ang Presidente na patigilin nina Mando ang mga magsasakang nag-aaklas laban sa pamahalaan. Ito’y isang rebelyon na labag sa batas. Nagkasagutan silang apat. Nagbanta ang Presidente na kapag hindi nila ititigil ang gawaing ito ay dadanak ang dugo, handa na ang hukbo ng militar para sumalakay sa anumang oras. Ngunit sina Mando pati na ang mga kasamahan niya ay naninindigan na hindi nila isusuko ang kanilang mga ipinaglalaban. Sinalakay ng militar ang mga magsasaka sa gitnang Luson, napatay si Pastor at ang ilang sa kanayang mga kasamahan. Nang gabi ring iyon. Sa isang lihim na pook sa labas ng lungsod, inumaga sa pagpapanayam sina Mando, Magat, Rubio at Danoy. Ang mga huling kataga ni Mando ay “ibubuhos natin ang buong kakayahan at gagawin ang lahat ng magagawa upang ang ating bansa’y maging tunay na malayat nagsasarili at ang mga mamayang Pilipino’y siyang maging tahas na panginoon sa kanilang lupain. Makatarungang demokrasya, pagkakapantay-pantay sa batas at pagkakataon sa buhay, ito ang ating panata at hantungan pasakdalang tayo’y magbuwis ng ating buhay.” 





wakas…








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento