Linggo, Marso 2, 2014

Tula para kay Lola (Lucenia Viola Ranque)



ANG SIMPLENG NAKALAAN
ni: Ryan Veras Balolot

Sa aming bukid na puno ng sigla

Mga alaalang di mabubura
Namumutawi ang ngiti sa tuwing naaalala
Lalo na pagkalong ako ng aking Lola

Kay lubos ang saya sa aming nayon
Mga naninirahan doon ay simpleng tagaroon
Sa tuwing umaga’y sa batis nakalusong
Sa dapit hapon naman naghahanap ng panggatong

Oh kay simple ng buhay sa baryo
Kasabay ng simoy ng hangin ang pag-awit ng mga ibon
Ang sarap tumakbo ang sarap magmahal
Lalo na pagkasama ko ang aking pinakamamahal

Sa pagsapit ng dilim maaaninag ang mga alitaptap
Nagbibigay liwanag sa dakong walang maaninag
Oh kay saya sa simpleng tahanan
Sa simpleng naging simple na pinasimple ng maka-Diyos na moral

Salamat sa maykapal sa pagkakataong inilaan
Nakasama ko ang lola sa pinagandang nakalaan
Sa nakalaang inilaan sa taong pinaglaanan ng pagkakatuto
Sa isang lugar na malaya pang mangarap ang isang paslit at ang kalikasan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento