Linggo, Marso 2, 2014

Tula para sa kalikasan :)



HANDOG NIYA
ni: Ryan Veras Balolot

Pinakaluluwa ng sandaigdigan
Ang napakaganda nitong kalikasan
Nagdulot ng buhay sa bawat panahon
Saan man ako’t ika’y maparoroon

Dito rin sa buhay na puno ng hapdi
Dagdag pa ang taong sa’tin nang-aapi
‘Wag mag-alala andyan ang kalikasan
Humugot ng lakas sabay mong wakasan

Saksi sa bagong pag-asa ng umaga
Marahil dala pa rin ang mga problema
Ngunit bakit wala tayong napapansin
Ang kagandahan ng araw nagpapansin

Maawaing langit na sa’min nagdulot
Ng sari’t saring magagandang kaloob
Itong kalikasan na iyong parangal
‘Wag bawiin at aming ikararangal

Sa mga bathala nitong ating daigdig
Disiplina ang dapat sa’tin manaig
Wag tuluyang masira ang kalikasan
Maawa sa sanggol ng kinabukasan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento